City of Mandaluyong

Mandaluyong City Vice Mayor


Edward Gabriel Bartolome

Vice-Mayor
City of Mandaluyong
 

Edward Gabriel Bartolome, kasalukuyang naninilbihan bilang pangalawang punong lungsod ng Mandaluyong at isinilang noong ika-4 ng Nobyembre 1979 sa nasabing lungsod. Pangalawa sa tatlong magkakapatid na anak nila dating Konsehal Cesar Castaneda Bartolome at Ginang Marie Gabriel Bartolome. Ikinasal sa kanyang mapagmahal na asawa na si Ginang Cherry Anne M. Bartolome, at may tatlong anak na sina: Edward II, Alexine Isabelle at Caleb Gabriel.

Si Edward ay nagtapos ng elementarya sa taong 1992 at sekondarya sa taong 1996 sa Don Bosco Technical College, Mandaluyong. Kumuha ng kursong Bachelor of Science in Commerce Major in Computer Science sa Jose Rizal University at nagtapos sa taong 2001.

Si Vice Mayor Edward ay nahalal sa unang pagkakataon sa taong 2004 sa gulang na 24, bilang konsehal. Dahil sa kanyang mabuting puso, nagustuhan at minahal siya ng mga tao, at sa muling niyang pagkahalal sa konseho sa taong 2007, siya ang nanguna na may pinakamataas na boto. Maging hanggang sa huling termino bilang konsehal sa taong 2010 siya pa din ang naging NO.1 sa puso ng mga tao. Sa konseho, siya ay naging Assistant Majority Floor Leader at Chairman ng Committee on Public Works and Engineering.

Sa kanyang tatlong terminong panunungkulan bilang konsehal, siya ay nakapagpasa ng iba't ibang resolusyon at ordinansa at nakapagpatupad din ng iba't ibang programa para sa kanyang mga kababayan sa Mandaluyong.


Government
Skip Navigation Links.



Home   Site Map   Links Back to top Web Development : Rey Nuñez

© 2010 City of Mandaluyong All rights reserved.

If you have any question, comment or suggestion
about this site, please send us a note